PAANO KAMI NAKA SURVIVE SA CHINA DAHIL SA COVID-19
Noong pumutok ang balita nitong Covid-19 sa WUHAN noon January, Kami po ay nag simula ng mag alala pero akala naman maliit lang na porsyento ang naturang sakit. Pero sa paglipas ng mga araw madaling umakyat ang bilang nga mga nagkaka sakit at nag positibo sa COVID-19.
January 22, 2020 - Nagsimula ng nag uwian ang mga Chinese papunta sa kanilang mga probinsya upang e celebrate ang Chinese New year. Sa kabila nito, nung tumaas ang bilang ng kaso sa virus nato. January 27 nag anunsyo ang Gobyerno ng China na total lock down sa lahat ng Syudad at mga probinsya. Sa nasabing lock down as in total talaga walang mga negosyong bukas. Ang tanging bukas lamang ay mga grocery store at ibang mga convenience store. Gayun paman habang kami ay nasa bahay isang linggong pagkain namin paunti unti lang kasi rin po para maka tipid. Tapos naranasan din namin na kumain ng Mais at itlog araw araw yan lang po ang tanging pagkain namin at saka kamote. Habang yung mga ibang bukas naman na mga restaurant ay mahal po ang kanilang mga benta na pagkain.
Ginagawa namin sa isang araw ay nag lalive streaming na lamang po para maaliw kami sa mga aming mga bahay. At yung mga iba naman ay gumagawa ng kanilang mga trabaho sa pamamagitan ng online job. Grabe po hindi po biro ang ma lock down ang isang lugar. Para yung nasa pelikula na mga zombe movie yan po talaga ang itsura ng lugar. Parang matatakot karon pag may tao kang nakita na naglalakad kasi parang zombie ang tingin nadin. Araw-araw kaming nakikibalita sa mga group chat namin dito sa wechat nakikibalita sa mga kapwa pinoy kung ano na nangyari sa kanila sa ibat ibang lugar dito sa china. Yung iba guys umiiyak na lalong lalo na yung mga baguhan palang o kakarating palang dito sa bansang china.
sa kabila ng lahat yung mga amo namin hindi naman kami pinababayaan. Kinukumusta naman kami araw araw baka nga din kami ay may sakit na. Pero sa awa naman ng diyos kami ako poy nasa bahay lang hindi lumabas ng isang buwan kasi nga po takot din mahawaan sa naturang sakit. Grabe talaga nakaka stress hindi mo alam kung ano gagawin mo sa bahay ng magisa ka lang hindi nga selda perong para narin kasi hindi ka maka labas. Minsan TV at Cellphone nalang kaharap hanggang sa maka tulog at mag intay ng bukas. Nagbabasakali na huminto na ang naturang sakit.
Pagka lipas naman ng isang buwan nag anunsyo naman ang gobyerno ng china na bukas na ulit ang mga trabaho at ibang mga negosyo suspended na ang lock down. So kaya nakaka labas na kami para bumili ng pagkain sa palengke para maka luto ng preskong pagkain. Para kaming naka labas talaga sa selda nung mga panahon na yun. As in from January 23, 2020 hanggang March 1, 2020 dyan palang ako naka labas ng bahay. Kinaya ko mga kababayan para po sa kalusugan ko rin at mahal ko po ang buhay ko. Kaya po sumunod nalang ako sa mandato ng gobyerno nila na wag lumabas ng bahay para maka iwas sa sakit na CORONA.
Sana po ay nabasa nyo ng buo ang kweto ko dito china. Talagang napaka hirap po,. Pero sa awa na diyos naka raos din. Sya nga pala dalawang buwan napo kaming walang trabahu kasi po yung trabahu ko ay isang musikero hindi pa po bukas ang mga establishemento katulad ng mga Bars and Restaurant. Hindi pa po pinapayagan ng gobyerno na mag gather ang mga tao sa mga naturang mga lugar para hindi na po kumalat pa or baka meron pa pong mga naka gala na hindi pa ma trace. So ayon po, Nag aantay parin kami kung kailan kami ulit maka trabaho.
Salamat po ng marami sa pagbasa ng kwento nato, Sana po maka bangon narin ang mahal kong PILIPINAS sa crisis ngayon. GOD BLESS US ALL.
Ako po si DARYL SHANE DE MESA
OFW/CHINA
Comments
Post a Comment