PAANO KAMI NAKA SURVIVE SA CHINA DAHIL SA COVID-19
Noong pumutok ang balita nitong Covid-19 sa WUHAN noon January, Kami po ay nag simula ng mag alala pero akala naman maliit lang na porsyento ang naturang sakit. Pero sa paglipas ng mga araw madaling umakyat ang bilang nga mga nagkaka sakit at nag positibo sa COVID-19. January 22, 2020 - Nagsimula ng nag uwian ang mga Chinese papunta sa kanilang mga probinsya upang e celebrate ang Chinese New year. Sa kabila nito, nung tumaas ang bilang ng kaso sa virus nato. January 27 nag anunsyo ang Gobyerno ng China na total lock down sa lahat ng Syudad at mga probinsya. Sa nasabing lock down as in total talaga walang mga negosyong bukas. Ang tanging bukas lamang ay mga grocery store at ibang mga convenience store. Gayun paman habang kami ay nasa bahay isang linggong pagkain namin paunti unti lang kasi rin po para maka tipid. Tapos naranasan din namin na kumain ng Mais at itlog araw araw yan lang po ang tanging pagkain namin at saka kamote. Habang yung mga ibang bukas naman na mg...